5 preso nakatakas sa Naujan Municipal Jail

ABS-CBN News

Posted at May 28 2017 08:58 AM

Limang preso ang nakapuga sa selda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Malinao, Naujan sa Oriental Mindoro, Linggo.

Kinilala ang mga pugante na sina Remegio Orfrecio na may kasong Violence against Women and Children; Toribio Mercado na may kasong rape; Ananias Dalisay at Marvin Montemayor na kapwa may kasong illegal drugs; at Marlon Genabe na may kasong theft. 

Ang pagtakas ay nasiskubre ni SJO1 Bernardo Baldesco, ang Duty Jail Officer of Naujan BJMP, matapos makita na hindi nakakandado ang Cell 1 habang sinira din ang rehas na bakal ng Cell 2.

Nagpalabas na ng alarma ang BJMP sa lahat ng police station sa lalawigan para matugis ang mga nakatakas na preso. -- Ulat ni Noel Alamar, DZMM 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.