200 Army reservists ng Iligan, iniligay sa active duty

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Posted at May 28 2017 03:23 PM

Inilagay sa active duty ang mahigit 200 reservists ng Philipine Army sa Iligan City, Linggo kasunod ng bakbakan ng gobyerno at mga bandidong grupo sa katabing bayan ng Marawi, at pagdedeklara ng martial law sa Mindanao. 

Tutulong ang reservists ng 102nd Regional Community Defense Group sa mga relief operation at pagbabantay ng mga checkpoint sa Iligan City at iba pang bayan ng Lanao del Norte, ayon sa executive officer ng army unit na si Major Edgar Centeno. 

Dagdag ni Centeno, mapipigilan ng reservists na magkulang ang pwersa ng gobyerno sa Iligan matapos ipadala ang mga sundalo sa lungsod sa Marawi. 

Mula noong 2004 national elections, ito ang unang pagkakataon na inilagay sa aktibong duty ang mga Army reservist ng Iligan. 
 
Sa ngayon, hindi muna aarmasan ng militar ang reservists. 

Tinitingnan din ng Philippine Army kung ipapatawag din para sa active duty ang mga reservist mula Misamis Oriental at Bukidnon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.