2 kalsada sa Mt. Province, sarado dahil sa pagguho ng lupa

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at May 28 2017 11:48 AM

BAGUIO CITY - Nanatiling sarado ang 2 pangunahing kalsada sa Mt. Province Linggo dahil sa mga pagguho ng lupa na dulot ng mga pag-ulan. 

Sabado nang unang isara ng Department of Public Works and Highways sa mga motorista ang Baguio-Bontoc Road at junction ng Talubin- Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road. 

Pinayuhan ng mga awtoridad na maglakad na lamang ang mga apektadong motorista.

Dahil dito, ilang pasyente ang pinagtulungang pasanin ng mga residente at pulisya para maisugod sa ospital. 

Gamit ang strecther, tulong-tulong na kinarga ng mga pulis at residente ang ilang pasyente pababa ng bulubunduking daan. Larawan mula kay Miguel Manansala

Hindi pa tiyak ng lokal na pamahalaan kung kailan magbubukas ang 2 kalsada, pero sinumulan na nila ang pagtatayo ng karagdagang bridge panels na maaaring gamitin ng mga commuter. 

Nakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa nitong mga nakaraang araw dahil sa epekto ng habagat o southwest monsoon.