PatrolPH

#WalangPasok: Mayo 29, 30 dahil sa bagyong Betty

ABS-CBN News

Posted at May 27 2023 12:20 PM | Updated as of May 28 2023 11:20 PM

MAYNILA (UPDATED) — Nagsuspinde ng klase ang ilang lugar bilang paghahanda sa epekto ng super typhoon Betty. 

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang mga sumusunod. 

LAHAT NG ANTAS 

  • Ilocos Sur - Mayo 29, Lunes
  • Ilocos Norte - Mayo 29, Lunes (until further notice; kasama ang trabaho sa mga paaralan)
  • Solsona, Ilocos Norte - Mayo 29, Lunes at Mayo 30, Martes
  • Apayao - Mayo 29, Lunes

Nagsuspinde na rin ng trabaho sa lahat ng pampublikong opisina sa Ilocos Sur para sa araw ng Lunes, Mayo 29.

Inaasahang magdadala ng malakas na hangin at pag-ulan ang bagyong Betty sa hilagang Luzon, ayon sa PAGASA. 

Maaari rin nitong palakasin ang habagat, na magpapaulan naman sa kanlurang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao, dagdag ng ahensya. 

 — May ulat ni Randy Menor ​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.