DAMASCUS - Ginunita ng Philippine Embassy sa Damascus ang Filipino Food Month sa isang salu-salo sa Filipino Workers’ Resource Center kamakailan. Sinalubong ni Officer-in-Charge Edgar Matibag ang mga dumalo sa salu-salo.
Damascus PE
Layon ng Filipino Food Month na maipakilala at mapreserba ang samu’t saring culinary recipe ng Pilipinas para sa susunod na henerasyon.
Sa kanyang talumpati, hinikayat niya ang mga dumalong kababayan sa Syria at mga Pilipinong nasa abroad na ipakilala ang Filipino cuisine sa kani-kanilang host countries.
Damascus PE
Gamit ang temang “Pagkaing Sariling Atin, Mahalin at Pagyamanin,” ibinida at ipinatikim sa mga bisista ang adobong manok, pansit, Lumpiang Shanghai, lumpiang gulay, Bicol Express, pakbet, monggo, papaitan, beef caldereta, empanada, at tortang talong.
Pati ang mga sikat na Pinoy na panghimagas ipinatikim din tulad ng leche flan, bicho-bicho at ginataang bilo-bilo. Hindi rin nawala sa salu-salo ang “unlimited rice.”
Nais rin ng organizers na kilalanin ang kontribusyon ng local communities sa Pilipinas na pinapanatili ang sining ng pagluluto na malaki ang naiaambag sa national food security ng bansa.
Damascus PE
Ang lutong Pinoy ay bahagi ng mayamang kultura ng bansa na nagmula pa sa ating mga ninuno na ipinasa sa bawat henerasyong nagdaan.
Damascus PE
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Syria, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.