PatrolPH

SAF member patay matapos umawat sa gulo sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at May 27 2022 10:34 PM

Patay ang isang PNP Special Action Force member matapos umawat ng gulo sa isang peryahan sa Mapandan, Pangasinan, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng PNP Mapandan, nasa peryahan sa Barangay Poblacion ang biktima kasama ang isang kaibigan nang mapansin niya ang komosyon sa loob. Nagpakilala itong pulis at inawat ang mga nag-aaaway.

Dito na siya binalingan at pinagtulungang bugbugin ng tatlong suspek na empleyado ng peryahan hanggang sa mawalan ito ng malay.

Naitakbo sa ospital ang pulis pero namatay habang ginagamot.

Kinilala ang biktima na si Pat. Robert De Vera Jr., 29, na nakadestino sa Samar at residente ng Barangay Luyan sa Mapandan.

Si De Vera ay nagbakasyon lamang umano, at dahil sa nangyari, naulila ang kaniyang dalawang anak.

Tumakas ang mga suspek pagkatapos ng krimen, pero nasampahan ang mga ito ng kasong murder at direct assault upon an agent of person in authority.—Ulat ni Dianne Dy-Asuncion

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.