PatrolPH

Ilang gov't vehicles tiniketan sa MMDA clearing ops

ABS-CBN News

Posted at May 27 2022 01:16 PM | Updated as of May 27 2022 08:25 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Pasado alas-6 ng umaga nang simulan ng Metropolitan Manila Development Authority ang kanilang road clearing operation sa bahagi ng Agham Road sa Quezon City

Isa isang kinarga ang mga motor at tricycle na nakahambalang sa sidewalk

May ilang nagalit dahil kasama sa naimpound ang kanilang sasakyan

Sa NIA South sa tapat ng National Irrigation Administration, ang mismong bus ng NIA ang pina-tow ng MMDA pero sira pala ito kaya tiniketan na lang. 

Watch more News on iWantTFC

Pagdating sa NIA North sa tapat ng National Printing Office at sa Philippine Drug Enforcement Agency, mga taxi at motor at mga nakaparada sa may PDEA naman ang pina impound

Pasado alas-9 ng matapos ang clearing operation

Pero gaya ng inaasahan, nagsibalikan din ang mga nauna nang pinaalis ng ahensya. 

-- Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.