PatrolPH

Panukalang hybrid elections, patuloy na pinag-usapan sa Senado

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at May 27 2021 11:17 PM

MAYNILA - Ipinagpatuloy ng mga senador ang debate hinggil sa hybrid elections sa sesyon sa Senado nitong Huwebes.

Ayon kay Senate Committee on Electoral Reform and People’s Participation Chairman Senator Imee Marcos, ang pinag-uusapan nilang bersyon ng panukalang hybrid elections ay naipasa noong 2019, bago pa ang COVID-19 pandemic.

Dahil aniya dito, malabo nang ipatupad ang panukala at sa halip ay subukan na lamang sa pilot areas. Maaari aniya itong gawin sa 4 hanggang 5 clustered precints.

Sa kaniyang isinusulong na panukala, magkakaroon ng manual count pero ang gagamitin ay printed ballots para mas tipid sa oras.

Magkakaroon din ng bagong security devices sa transmission kabilang ang digital signature, audit logs at iba pa.

Tinanong ni Senador Sonny Angara si Marcos kung gaano karami ang isasalang sa pilot testing para sa 2022 National Elections.

Sagot ni Marcos posible na 4 na lugar lang sa ang maging bahagi ng pilot testing - 2 rural at 2 urban areas sa Luzon at Mindanao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.