PatrolPH

Pagpapaliban ng Bangsamoro elections, kailangan ng plebisito ayon kay Lacson

ABS-CBN News

Posted at May 27 2021 12:14 AM

MAYNILA - Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na kailangan ng plebisito kung ipagpapaliban ng tatlong taon ang nakatakdang 2022 Bangsamoro elections.

Sa interpellation ni Lacson kay Senador Francis Tolentino na siya namang nagdepensa sa panukala, sinabi niya na kasama sa plebisito na niratipikahan noong Enero 2019 ang pagkakaroon ng eleksyon matapos ang tatlong taong transition period. 

Kung hindi magkakaroon ng eleksyon, dagdag ni Lacson, ay maaapektuhan ang basic structure ng Bangsamoro Regional Government kaya kailangan ng referendum.

Sagot naman ni Tolentino, hindi apektado ang structure sapagkat mananatili ang batas sapagkat magkakaroon lang ng delay sa karapatang bumoto.

Paliwanag pa ni Tolentino, hindi posible ang eleksyon sa 2022 dahil hindi pa nagagawa ng Bangsamoro Transition Authority ang electoral code. Hindi rin aniya na-extend ang termino ng BTA officials dahil ibibigay sa pangulo ang kapangyarihan na mag-reappoint o mag-appoint ng bagong opisyal.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.