Umabot sa halos 700 senior citizens at persons with disability sa bayan ng Guagua, Pampanga ang nagpabakuna laban sa COVID-19 nitong Miyerkoles.
Pinuno ng mga bentilador ang vaccination site para maging presko ang matatanda at puno rin ng ushers na tutulong sa kanila sa bawat hakbang sa proseso.
Bukod sa mabilis na proseso sa pagbabakuna, binibigyan din ng isang supot na gulay ng lokal na pamahalaan ang mga nagpabakuna.
Sa bayan ng Sta. Rita, umarangkada na rin ang pagbabakuna sa mga matatanda.
Sa huling tala ng Provincial Health Office, umabot na sa mahigit 26,000 ang naturukan ng first dose ng bakuna habang nasa mahigit 1,600 ang mga nakatanggap na ng second dose ng bakuna.
Nasa mahigit 65,000 na ang total vaccines administered sa buong lalawigan ng Pampanga.
- ulat ni Gracie Rutao
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Pampanga, Guagua, Sta. Rita, COVID-19 vaccine, bakuna, Tagalog news