TINGNAN: Vending stalls ipinapatayo sa paligid ng Manila City Hall

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 10:44 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Umarangkada na ang pagpapatayo ng mas maaliwalas na stalls para sa mga vendor ng Maynila, na sinimulan sa gilid ng Manila City Hall. 

Sa Antonio Villegas Street ipinatayo ang ilang stalls, sa tulong ng Manila Department of Engineering and Public Works, at sinisimulan na ang pagpapapintura rito. 

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ito ay para tulungang mabigyan ang mga vendors ng disente at maaliwalas na pwesto.

Hindi pa operational ang mga stall pero makikita na bukod sa maluwag naman ang stall ay nakakabit din ito sa kuryente kaya posibleng malagyan din ng electric fan o refrigerator para sa mga magtitinda ng pagkain.

Wala pang guidelines kung magkano ang renta sa mga stall na ito at paano ba mag-apply para sa puwesto. 

Inaasahan na ilalagay din ang mga ito sa iba pang lugar sa Maynila.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.