Pwede na uling magbenta, bumili ng alak sa Bacolod, basta panatiliin ang physical distancing

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 12:20 AM

Maaari na uling magbenta at bumili ng alak sa Bacolod, basta patuloy na obserbahan ang physical distancing, ayon sa ipinalabas na direktiba ni Mayor Evelio Leonardia nitong Lunes.

Batay sa executive order ng alkalde, pwede nang magbenta o bumili ng alak simula alas-dose ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi.

Pinagbabawal pa ring uminom sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada o eskinita, mga restaurant at mga convenient store, ngunit maaari sa loob ng bahay.

Pwedeng masuspende o mapasara ang isang establishment na hindi tutupad sa patakaran.

Ayon kay Leonardia, malaki ang epekto ng pagsara ng mga beverage company at sa kanilang mga empleyado na puwedeng mawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19.

Nakaapekto rin ito sa mga sari-sari store na nagbebenta ng mga inumin. -- Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.