Ina timbog sa pambubugaw umano sa mga anak sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 04:28 PM

Arestado ngayong Miyerkoles ang isang ina sa Taguig City dahil sa umano ay pambubugaw sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng internet.

Ayon kay Col. Maria Sheila Portento, hepe ng Philippine National Police Anti-Trafficking in Persons Division, ikinasa nila ang operasyon sa ina matapos makatanggap ng ulat ukol sa nangyayaring pambubugaw sa mga bata.

Ayon kay Portento, kinukuhanan ng ina ng mga maseselang larawan ang 2 sa 7 niyang anak gamit ang internet, kung saan pawang mga banyaga ang mga parokyano.

Nasagip ng mga awtoridad ang 7 anak ng suspek.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang ina, ayon kay Portento.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.