Ilang stranded na OFW, pinagpasa-pasahan umano bago dalhin sa maduming lodging house

Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 01:05 AM | Updated as of May 27 2020 01:52 AM

ILOILO CITY - Nagreklamo ang isang OFW na kakauwi lang sa Iloilo City matapos umano pag pasa-pasahan siya ng ilang ahensiya ng gobyerno kasama ang iba pang migrant worker na na-stranded sa Maynila dulot ng coronavirus lockdown.

Isa si "Nene" sa 235 na repatriated OFW na dumating sa Iloilo City noong Lunes sakay ng barko at masaya sana siya dahil matapos ang dalawang buwan na pagka-stranded sa Manila, ay makikita na niya ang kaniyang pamilya.

Kasama sa protocol ng mga umuuwing OFW ay ang paglagay sa kanila sa mga isolation facility habang hinihintay ang resulta ng kanilang PCR test.

Pero ayon kay Nene, pinagpasa-pasahan sila bago sila dinala sa isang lodging house na ngayon ay nagsisilbing isolation facility sa ilang OFW na residente sa probinsiya.

“Sabi, walang advise na may darating, which is pagkakaintindi ko alam nilang may darating, pero hindi nila alam na ganung oras. Parang walang nag-organize. And then sinabi ng driver puntahan daw namin yung isang hotel. So nagpunta na naman kami dun, which is nag wait kami ng ilang minuto. Then hindi kami pinababa which is sabi, na naman wala daw advise sa kanila or any information na doon kami. So we waited 5-10 minutes, parang ganun," aniya.

"Ang nag co-coordinate sa amin ang convoy na pulis. Ang sabi we have to wait kaso may ganito, 'ma’am hindi sila nag-advise, hindi sila nagbigay ng information na ganito ganyan'. Hanggang may tinawagan na naman siya. Then they decided na ibalik kami sa unang hotel.”

Saad ni Nene, pagod na nga sila sa biyahe, nakaranas pa sila ng diskriminasyon dahil halos takot ang mga tao sa lodging house na lapitan sila. 

Marumi din umano ang lodging house at mabaho ang tubig na ginagamit sa paliligo. 

Kuha ng OFW na si "Nene" ang ilan sa kaniyang napansin sa isolation facility kung saan siya at ang iba pang mga kakauwing Filipino migrant worker ang ipinadala matapos ma-stranded sa Maynila ng 2 buwan.

Hindi naman daw sila naghahanap ng VIP treatment. Hiling lang umano nila na sana may koordinasiyon ang mga ahensya ng gobyerno.

Ayon naman sa lokal na pamunuan ng Guimaras, ginagawan na nila ng paraan ang problema ng mga OFW. 

At kapag lumabas na ang resulta ng kanilang COVID-19 test, dadalhin sila sa mga quarantine facility ng lalawigan bago pauwiin sa kani-kanilang mga pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.