Hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group patay sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 01:22 PM

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa San Jose City, Nueva Ecija, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.

Kinilala ni Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose police, ang suspek bilang si Wilson Carino, na miyembro umano ng Pajares/Diablo group.

Nanlaban umano ang suspek nang maramdamang pulis ang pinagbebentahan niya ng 2 pakete ng hinihinalang shabu.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang kalibre .38 na pistol at anim na basyo ng bala.

-- Ulat ni Lady Vicenio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.