PatrolPH

'Healthnow.ph': Website inilunsad ng DOH para sa mga gustong magpakonsulta habang lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 01:28 PM

MAYNILA - Naglunsad ng panibagong telemedicine site ang Department of Health para sa mga nais sumailalim sa medical consultation online sa gitna ng lockdown. 

Ito ang healthnow.ph kung saan maaaring makipag-video call sa mga doktor. 

Sa ngayon, libre ang serbisyo. 

Bibigyan ng 15 minutes para sa konsultasyon ang mga pasyente. 

At dahil limitado ang online service, ang mga nabibili lang over-the-counter ang irereseta ng mga doktor. 

Payo ng HealthNow, para masulit ang oras ay ilista na ang mga nararamdaman kabilang ang temperatura o blood pressure. 

Dapat dingilista ang health conditions para masuri na ng doktor. 

Pawang mga volunteer doctors ang tutulong para hindi na kailangang makisiksik pa sa ospital na abala sa pag-aasikaso ng coronavirus patientes. 

Bukod sa nasabing website, maaari ring tawagan ang DOH COVID-19 hotline at ilang teleconsultation website. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.