PatrolPH

Animal welfare group sa Tarlac humihingi ng tulong

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 12:21 PM

Animal welfare group sa Tarlac humihingi ng tulong 1
Nananawagan ng tulong ang Animal Kingdom Foundation upang mapangalagaan ang higit 100 asong nasagip nito mula sa pang-aabuso. Animal Kingdom Foundation

MAYNILA - Higit 100 aso at staff ng Animal Kingdom Foundation sa Capas, Tarlac ang nangangailangan ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Halos 2 dekada na simula nang itayo ang grupo at higit 1,000 operasyon na ang kanilang nagawa upang pigilan ang dog meat trade at iba pang pang-aabuso sa mga hayop, ayon kay Heidi Marquez- Caguioa, program director ng AKF.

"Ang challenge po ngayon since may problema sa mga negosyo apektado rin po kami…nagdedepende po kami sa donasyon yung pasahod ng mga staff namin para maalagaan yung mga aso," aniya.

Giit ng grupo, hindi sila papayag na maisara lalo’t laganap parin ang animal cruelty at dog meat trade sa bansa.

Humihingi sila ng ng tulong sa publiko na suportahan ang kanilang adbokasiya, hindi lang sa pagbibigay ng donasyon kundi pati narin sa pagiging responsableng pet owner.

--Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.