Mahigit P200-M Grand Lotto jackpot, napanalunan na

ABS-CBN News

Posted at May 27 2019 10:03 PM

MAYNILA - Napanalunan na ang P210,795,849.60 jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes.

Isang masuwerteng mananaya ang nakakuha sa winning combination na 02-04-06-08-24-01.

Wala namang nanalo sa P15,892,709.60 jackpot prize sa MegaLotto 6/45 na may winning combination na 30-41-38-33-32-20.