Babae, sanggol patay nang masagasaan sa Ilocos Norte

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at May 27 2019 03:24 PM

PASUQUIN, Ilocos Norte - Patay ang isang babae at ang kaniyang 10-buwang gulang na sanggol matapos masagasaan sa Barangay 7, Caruan nitong Lunes ng umaga.

Naglalakad lamang pauwi sa kanilang bahay ang mag-ina nang mabangga ito ng sasakyan.

Mabilis umano ang patakbo ng drayber ng SUV at may iniiwasang poste ng kuryente kaya nawalan ng kontrol sa sasakyan, ayon kay Police Major Marlon Padamada, hepe ng Pasuquin Police.

Bumangga ang sasakyan sa may kubo at nasagasaan ang mag-ina. 

Tumanggi ang drayber ng sasakyan na magbigay ng pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.