2 patay, 57 sugatan sa salpukan ng bus, truck sa Quezon

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at May 27 2019 07:05 AM | Updated as of May 27 2019 07:54 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Dalawa ang patay at 57 ang sugatan makaraang magbanggan ang isang bus at trailer truck sa Atimonan, Quezon, Lunes. 

Tinatahak ng trailer truck ang pakurbada at pababang daan sa Barangay Malinao Ilaya patungong Bicol nang tumagilid ito at makaladkad ang kasalubong na bus, ayon sa mga imbestigador. 

Kapwa anila nasawi ang driver ng Mark Eve's Transit bus na si Jonathan Lirio at driver ng trailer truck na hindi pa nakikilala.

Dinala sa mga ospital sa Atimonan at katabing lungsod ng Lucena ang mga nasugatan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.