‘Most wanted’ sa Batangas, sugatan sa engkuwentro sa Cavite

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at May 27 2018 12:04 AM

MAYNILA—Sugatan ang most wanted personality ng Batangas matapos makipagputukan sa pulisya sa Cavite nitong Sabado.

Kinilala ang suspek bilang si Romnick Reyes na nagtamo ng tama ng baril sa tiyan at agad isinugod sa ospital.

Ayon sa paunang ulat ng Region 4-A Special Operation Unit, nagkasa sila ng operasyon para hulihin si Reyes sa General Trias, Cavite. 

Nang mapansin ang mga pulis sa lugar ay agad nagpaputok ang suspek gamit ang kalibre .38 na baril.

Nakipagpalitan siya ng putok sa pulisya habang tumatakas. Tumakbo siya patungo sa barangay hall kung saan na-corner ito.

May standing warrant of arrest ang suspek sa mga kasong 2 counts of homicide at 2 counts of robbery.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.