Kotseng kinarnap mula sa Grab driver nabawi na

ABS-CBN News

Posted at May 27 2018 03:32 PM

MAYNILA - Narekober na ng mga awtoridad ang ninakaw na kotse ng isang Grab driver ngayong Linggo.

Natagpuan ang kotse ni Jojo Destavinaderes sa Antique St., Bagong Bantay, Quezon City. 

Isang residente ang nagtimbre sa kinaroonan ng kotse at nang puntahan ng Grab driver ay nakumpirma niyang kanya ito.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuwento ng tsuper, Biyernes nang may maisakay siyang 3 pasahero sa NAIA 3 papuntang GSIS Village. 

Pero pagdating aniya sa madilim na bahagi ng lugar nagdeklara na sila ng holdap.

Tinutukan siya ng baril ng isa sa mga holdaper, habang balisong naman ang tinutuok ng isa pa.

Nakuha sa kanya ang P1,200 cash at isang cellphone.

Inaalam pa ng pulisya kung may CCTV sa mga dinaanan ng ninakaw na sasakyan para matukoy ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.