Dating pinuno ng PSG, balik-Leyte na

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 27 2018 05:05 PM

ORMOC CITY - Itinalaga bilang bagong pinuno ng 802nd Infantry Brigade ang dating pinuno ng Presidential Security Group (PSG) ng administrasyong Duterte.

Sa isang turnover ceremony sa Camp Downes sa Ormoc City, Leyte, pinalitan ni Brigadier General Lope Dagoy si Brigadier General Francisco Mendoza Jr. bilang commander.

Bilang pinuno ng PSG, naging kontrobersiyal si Dagoy matapos hindi papasukin sa loob ng compound ng Malacañang ang reporter ng Rappler.

Bago pamunuan ang PSG, hinawakan niya ang 19th Infantry Battalion na nakabase noon sa Kananga, Leyte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.