Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Laguna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Laguna

Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Laguna

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa tukoy na salarin sa Biñan City, Laguna nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima bilang si Joselito Marfori, newly elected barangay councilor sa Barangay Casile, Biñan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naghihintay si Marfori sa labas ng Small Town Lottery (STL) office sa Dr. A. Gonzales Street, Barangay San Jose nang bigla umanong nilapitan ng isang lalaki at pinagbabaril.

Base sa nakalap pang impormasyon ng pulisya, naglakad ang gunman palayo sa crime scene at sumakay ng getaway motorcycle.

ADVERTISEMENT

Naisugod pa ang biktima sa ospital pero hindi umabot nang buhay.

Anim na basyo ng bala at tatlong deformed bullets ang narekober sa crime scene.

Ayon kay Luzviminda Marfori, asawa ng biktima, ang kaniyang mister ang itinalagang mamahala sa STL sa lugar. Ito ang hinala niyang motibo sa pamamaslang sa asawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng Biñan City Police para matukoy ang pinag-ugatan ng krimen.

Target nilang ma-review ang CCTV sa pinangyarihan ng krimen para sa malaman ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.