8 bahay nasunog sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at May 27 2018 08:23 AM

MAYNILA - Hindi bababa sa 8 bahay ang nasunog sa Barangay Ibayo Tipaz sa Taguig City, Sabado, alas-11 ng gabi.

Sa laki ng apoy, pati mga bombero sa mga kalapit na lungsod ay kinailangan na ring tumulong sa pag-apula ng apoy.

Mag-aalas-2 ng madaling araw nang tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng gulo mula sa isa sa mga bahay sa kanilang lugar bago magkasunog.

Mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa mga materyal na madaling masunog.

Nahirapan din ang mga bombero na makapasok sa lugar dahil makitid ang mga daan.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian, gayundin ang pinagmulan ng sunog. -- Lady Stephanie Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.