Kotseng inabandona sa Quiapo, nagdulot ng bomb scare

ABS-CBN News

Posted at May 28 2017 01:16 AM

Nagdulot ng pangamba ang isang itim na sasakyang 2 araw nang naiwan sa tapat ng isang condominium building sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa mga residente, 2 araw na umanong nakaparada ang isang Toyota Vios na may plakang VG 7323 sa Bilibid Viejo, Quiapo.

Lumabas na negatibo sa bomba ang sasakayan pero may narekober na drug paraphernalia rito, ayon sa Manila Police District (MPD) Explosives and Ordinance Division.

Kinurdonan ang Bilibid Viejo mula San Sebastian Church hanggang sa kanto ng Loyola.

Nagtungo rin ang MPD Anti-Carnapping Group para alamin kung kanino ang sasakyan.

--Ulat mula kay Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.