TFC News

Alamin ang mga trabahong in-demand sa Pinoy Job Fair sa Madrid

SandraSotelo Aboy | TFC News Spain

Posted at May 26 2023 03:52 PM

MADRID - Idinaos kamakailan ang kauna-unahang job fair para sa mga Pilipino sa Madrid, Spain matapos ang pandemya.

Mahigit 700 Pinoy ang nagpa-rehistro para makahanap ng trabaho. Iba-ibang trabahador ang hanap ng employers tulad ng cleaners, cooks, receptionists, housekeepers, factory workers at marami pang iba.

1

Ang EFS Job Fair 2023 ay inisyatiba ng Empowered Filipinos in Spain Association upang mabigyan ng trabaho ang unemployed Filipinos lalo na ang mga naapektuhan ng pandemya nitong nakaraang tatlong taon.

Nasa 10 job placement agencies ang lumahok.

2

“Kami ay nakipag-coordinate sa mga ahensya de trabaho rito sa Madrid, Espanya at nakipag-collaborate rin kami para sila yung magpo-provide ng mga trabaho rito sa mga kababayan natin dito sa Espanya,” sabi ni Gil Albarracin, President of Empowered Filipinos in Spain Association (EFS).

Isa si Joymar Paleracio sa mga nagwalk-in para maghanap ng trabaho sa job fair.

“Naghahanap (ako) ng mas magandang trabaho, na mas malaki ang pagkakakitaan,” sabi ni Joymar Paleracio, OFW sa Madrid.

2

“Tulong talaga ito sa mga kapwa nating mga Pilipino na walang kaalam-alam dito sa Espanya, yung mga bagong salta at yung mga taong hindi pa nakakahanap ng magandang trabaho,” sabi ni Marilou Afan, OFW sa Madrid.

“Nagpapasalamat ako sa fair na’to o event kasi nakakatulong sila sa mga kapwa ko Pilipino na looking for a job here in Spain. May four hours na trabaho ako ngayon na pinapasukan pero naghahanap ako ng ibang trabaho pa,” sabi naman ni Myra Joy Jimenes, OFW sa Madrid.

2

Maging ang mga agency ay natuwa sa inisyatiba ng EFS. Malaking tulong daw ito sa mga Pinoy na walang trabaho at maging sa kanilang recruitment activities.

“We are very happy to know that there is a lot of Philippine people looking for jobs and we can help. I think and we are very interested in their profiles because we have a lot of demand for housekeepers and anything they need,” saad ni Sol Nuño, Casapunto Agencia Inmaculada.

“The reason why we actually go here is that we are actually expanding sa Germany, so we have like, 4.2% of our employees have Filipino roots, so nung nakita naming marami pa lang Pilipino sa Espanya na permanent resident o kaya citizen, we thought why don’t we explore the market here,” saad ni Jasper Galimba, Eat Happy Global Recruiting.

Nagbigay din ng legal matters at presentation ang Madrid-based Pinay lawyer na si Atty. Bianca Bonoan para mabigyan ng impormasyon ang mga Pilipino tungkol sa mga patakaran tungkol sa mga trabaho at employment contracts sa Espanya.

Sinagot din ni Bonoan ang mga katanungan ng mga dumalo patungkol sa kani- kanilang sitwasyon sa trabaho.

“Nakatulong sa akin, at least alam ko na hindi ako magbabayad ng 3% sa SSS,” sabi ni Annabel Cordovez, OFW sa Madrid.

Naroon din ang OWWA para sa mga gustong maging miyembro at itinulak din ng Philippine Embassy ang pagpapa-rehistro para sa overseas voting.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC