PatrolPH

Indonesian na na-stranded sa laot nang 1 linggo, nasagip sa Davao Occidental

ABS-CBN News

Posted at May 26 2022 12:24 PM

Kuha ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM)
Kuha ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM)

Nasagip ang isang Indonesian na mangingisda na na-stranded sa laot malapit sa Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental nitong Martes.

Ayon sa Naval Forces Eastern Mindanao, nagsagawa ng gunnery exercise ang BRP Tarlac sa layong 54.5 nautical miles mula sa exercise area nang makatanggap ang duty radioman ng distress call.

Ito'y galing sa lite boat Tanigue na mayroong 25 na crew at unang nakapansin sa stranded na Indonesian fisherman na si Kamuraan Ama, 50.

Ayon sa NFEM, nasa laot umano nang pitong araw ang biktima matapos pumalya ang makina ng bangka nito.

Inihatid ng BRP Tarlac ang dayuhang mangingisda at ang bangka nito sa Indonesian Border Crossing Station sa Balut island.

Sinuri rin ng on-duty nurse si Ama. Bukod sa dati nang iniinda na hypertension, nakaranas din ng pagsakit sa tiyan at likod ang biktima.

Ligtas na inihatid na sa rendezvous point ang mangingisda, ayon sa NFEM.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.