PatrolPH

55 party-list groups naproklama na ng Comelec

ABS-CBN News

Posted at May 26 2022 07:27 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Aabot sa 55 party-list groups ang hinirang na panalo ng Commission on Elections, na nakaupo bilang National Board of Canvassers, para punuan ang higit 60 puwestong nakalaan para sa kanila sa mababang kapulungan ng Kongreso. 

Nanguna sa party-list race ang ACT-CIS kaya makakakuha ito ng 3 puwesto. 

Makakakuha naman ng tigdalawa puwesto ang nasa ikalawa hanggang ika-6 na puwesto gaya ng 1-Rider party-list, Tingog, 4Ps, Ako Bicol, at Sagip. 

Tig-isang puwesto naman ang ilalaan para sa mga nalalabing panalo. 

Hindi kasama sa mga hinirang ang United Senior Citizens Partylist, na maaaari na sanang makakuha ng isang puwesto, dahil nakabinbin pa ang kanilang motion for reconsideration matapos magsampa ng petisyon laban sa kanilang accreditation ang katuunggaling Senior Citizen's Partylist. 

Hinirang din ang progressive party-lists na Kabataan at Gabriela sa kabila ng petisyon laban sa kanila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Naiproklama rin silang panalo noong 2019 sa kabila ng nakabinbing kaso. 

Sa kabuuan, 62 muna sa 63 puwesto na nakalaan sa mga party-list group sa Kongreso ang mapupunuan. 

-- Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN New

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.