PatrolPH

10 anyos na babae nadiskubreng patay sa Isabela

ABS-CBN News

Posted at May 26 2022 02:44 AM

SANTIAGO CITY, Isabela – Natagpuang patay ang isang batang babaeng hinihinalang hinalay sa bahagi ng Mabiret River sa lungsod na ito Miyerkoles ng umaga.

Sa paunang imbestigasyon ng Santiago City Police Station 3, isang lalaking naglalaba umano sa ilog sa bahagi ng Barangay Baluarte ang nakakita sa bangkay ng bata na tinatayang 10-anyos.

Nakasuot siya ng itim na t-shirt, pero walang saplot pang-ibaba kaya hinala ng mga awtoridad na biktima siya ng panghahalay.

Naipagbigay-alam na sa mga magulang ng bata ang nangyari.

Sa kanilang pahintulot ay isinailalim sa autopsy ang bangkay. – Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.