PatrolPH

Surigao City at 6 bayan sa Surigao del Norte, isasailalim sa MECQ simula May 28

ABS-CBN News

Posted at May 26 2021 04:33 AM | Updated as of May 26 2021 07:57 AM

Isasailalim sa modified enhanced community quarantine ang Surigao City at 6 na bayan sa Surigao del Norte dahil sa pagtaas ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga naturang lugar.

Kasama ang mga bayan ng Claver, Gigaquit, General Luna, Malimono, Placer, at Sison sa implementasyon ng MECQ.

Magsisimula ang implementasyon ngayong Mayo 28 hanggang Hunyo 4.

Pinagbabawalang lumabas ang mga residente maliban lang kung importante ang kanilang sadya sa labas. Gagamit na rin ng color coded quarantine pass ang awtorisadong miyembro ng pamilya na makakalabas at may access sa mga pangunahing pangangailangan.

Bukod sa quarantine pass, kailangan din ng work at travel pass ang mga residente. 

Ipapatupad din ang liquor ban, ipinagbabawal ang mass gathering, at indoor dine-in services. Magsisimula ang curfew hour alas 9 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.

Umabot na sa 314 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Surigao del Norte, kabilang 17 sa Siargao Island, 110 sa Surigao del Norte mainland at 187 sa Surigao City.

Abiso ng pamahalaan na palaging sundin ang minimum health protocol, kagaya na lang ng pagsuot ng face mask at face shield at pagsunod sa physical distancing.

--Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.