PatrolPH

P300-K halaga ng shabu, nadiskubreng isinilid sa instant noodles sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at May 26 2021 12:37 AM

Arestado ang isang tindera ng gulay sa matapos mahulihan ng daan-daang libong halaga ng shabu umano sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City Martes ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, isinilid ng 53-anyos ng babaeng suspek ang droga sa isang pakete ng instant noodles na nadiskubre sa naturang operasyon sa Brgy. Talon-Talon. 

Nagkakahalaga ito ng higit sa P300,000. 

Tinuturing ng pulisya ang suspek bilang isang high value target.

Mahaharap siya sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

--Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.