PatrolPH

Lalaki nahulihan ng P1.2 milyong halaga ng marijuana sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at May 26 2021 12:08 AM | Updated as of May 26 2021 02:43 AM

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Tabuk City, Kalinga noong Linggo. 

Ayon sa Kalinga Police, ang 24-anyos suspek na mula Brgy. Lacnog ng lungsod ay kabilang umano sa top 10 illegal drug personalities sa Cordillera. 

Nakumpiska sa suspek ang 10 marijuana bricks na kaniyang ibinenta sa pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer. 

Tumitimbang ng 10 kilo ang marijuana bricks at nagkakahalaga naman ng P1.2 milyon, ayon sa PDEA Cordillera. 

Napag-alaman na may kasabwat din ang suspek, pero nakatakas ito. 
Sinampahan na ang suspek ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.