PatrolPH

Higit P300,000 halaga ng hinihinalang shabu kumpiskado sa Pasay

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at May 26 2021 06:46 AM

Watch more News on iWantTFC

Dalawang suspek ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay Police kamakailan.

Target ng operasyon si alyas Ate Judith, 56.

Minomonitor na ang galaw ng target na dumarayo pa mula sa lungsod ng Dasmariñas, Cavite, para magbenta ng droga.

Nangyari ang transaksyon sa Roxas Boulevard Service Road at P80,000 na halaga ng shabu ang napagkasunduan nila ng nagpanggap na buyer.

Pero nasa 55 grams ng hinihinalang shabu ang kumpiskado sa suspek na abot sa P376,380 ang halaga.

Timbog din ang kasama niyang lalaki na si alyas Medic na taga-bayan ng Bocaue, Bulacan pa at isa palang high-value individual.

Iniimbestigahan pa ang koneksyon ng dalawa pero aminado ang pareho na wala silang trabaho sa ngayon.

Pagbebenta ng ilegal na droga ang kasong isasampa laban sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.