PatrolPH

27 senior citizen na inmate nabakunahan kontra COVID-19 sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at May 26 2021 06:21 PM

Nakatanggap na ng kanilang unang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang nasa 27 senior citizen na mga inmate sa Digos City District Jail Male Dormitory sa Davao del Sur noong Lunes.

Ito ay 59 porsiyento ng kabuuang populasyon ng matatandang inmate sa naturang pasilidad. Ginanap ang immunization activity sa multi-purpose gym ng jail facility.

Ayon kay Police Capt. Edo Lobenia, spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology-Davao Region, naghihintay na lamang sila ng pahintulot mula sa iba pang LGU para mabakunahan ang ilan pang elderly inmates sa rehiyon.

Halos 90 porsiyento na rin sa personnel ng BJMP sa rehiyon ang nabakunahan na kontra COVID-19.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.