READ: ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak statement at the House Committee hearing on franchise

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 02:32 PM | Updated as of May 26 2020 03:09 PM

 

HOUSE COMMITTEE, 26 May 2020 

The honorable Chairman of the House Committee on Legislative Franchises Congressman Franz Alvarez, [the honorable Chairman of the House Committee on Good Government Congressman Jose Antonio Sy-Alvarado], [the honorable Majority Floor Leader Martin Romualdez] the honorable Speaker of the House Alan Peter Cayetano, the honorable members of this committee, the honorable members of the House present, good morning. 

Para sa ating mga Pilipino, ang pagmamahal sa pamilya ay pinakamahalaga. Ang ABS-CBN po ay ang aking pamilya. Isang pamilya ng labing isang libong taong naghahangad magserbisyo sa bayan. 
 
Sa nakalipas na mga linggo, nagdurusa po ang pamilya ko. Nag-aalala sila na mawawalan sila ng trabaho. Natatakot sila para sa kanilang kinabukasan at sa kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang sakit po ng pakiramdam. Alam po namin na sa panahon ng pandemya, napakahirap pong mawalan ng trabaho, dahil hindi madaling makahanap ng panibagong hanapbuhay. 
 
May nagsasabi sa social media na nagpapaawa lang daw kami. Sana po makausap ninyo ang isang tatay o nanay na mawawalan ng hanapbuhay. Sana po maramdaman niyo ang takot nila kapag iniisip nila kung papaano nila bubuhayin at papakainin ang kanilang pamilya. Sana po pakinggan ninyo ang boses ng aming mga Kapamilya. Sinabi ng presidente ng aming rank and file union, “hindi na kami makatulog sa pangangamba.” 
 
Hindi po kami nagpapaawa. Umaapila po kami—ibalik niyo po ang ABS-CBN para maprotektahan namin ang 11,000 kong Kapamilya at ang kanilang mga minamahal sa buhay. 
 
We want to do everything we can to protect our employees. Pero may hangganan din ang kakayahan ng kumpanya namin. Habang wala kami sa ere, palaki ng palaki ang nalulugi sa amin. At sa mga darating na linggo, mapipilitan na kaming maglabas ng listahan ng mga empleyadong mawawalan ng trabaho. Sana makita po ng Kongreso na nasa kapangyarihan ninyo ang kinabukasan nila. 
 
Sa tingin po namin, wala pong dahilan kung bakit hindi puedeng ibigay ang prangkisa ng ABS-CBN. There have been many accusations thrown against us, about alleged violations of laws or violations of our franchise. Sinasabi po ng mga bumabatikos sa amin, the law is the law. 
 
We agree. The law is the law. And under the law, we are innocent unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws. 

Sabi po ng BIR, bayad ang aming buwis. Nanggaling sa SEC na aprubado sa kanila ang pag-issue ng mga PDR. Ang Department of Justice ang nagsabi na hindi labag sa prangkisa ang KBO. Ang DOLE naman ay nagsabi na sumunod kami sa lahat ng compliance orders nila. 

Wala po kaming nilabag na batas. Pero inaamin namin na hindi kami isang perpektong organisasyon. May mga kakulangan din po kami. At handa naming ayusin ang mga ito. 

I know there are Congressmen who feel there are things we can do to be a better company. We agree with you. Mark Lopez, our chairman, and I both commit that even if a franchise is given to us, we will not stop listening to you, and we will continuously take actions that make us a better company. 

Your honors, masakit po itong nangyari sa amin. Umasa po kami sa hangarin ninyo at ng Senado na habang pinag-uusapan ang prangkisa, hindi po kami mawawala sa ere. Sa pag-shutdown namin, marami sa ating mga kababayan ang napagkaitan ng serbisyo ng ABS-CBN, lalung-lalo na sa panahon ng pandemya. 

Nasa 70 million po ang nanonood sa ABS-CBN bawat linggo. Kailangan nila ang balita para sa kanilang kaligtasan o hanapbuhay. Habang hindi sila makalabas ng bahay, marami ang nangangailangan ng mga programang nagbibigay ng saya, inspirasyon, tibay ng loob at pag-asa. 

Milyon-milyong OFW din po ang umaasa sa ABS-CBN para maibsan ang kanilang lungkot habang nagsasakripisyo para sa pamilya. 

Noong nag-umpisa ang quarantine, at gutom ang naging problema ng bayan, agad po kaming kumilos para makatulong.

Watch more on iWantTFC