'Pantawid ng Pag-ibig': Ayuda handog para sa mga taga-Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 07:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kahit pinapayagan nang makapagtinda sa palengke, hindi pa rin ito magawa ni Remedios Taaka dahil naubusan ng puhunan ang among may puwesto ng isda bunsod ng lockdown.

Lima ang anak na binubuhay ni Taaka at ng mister niyang natigil din sa trabaho sa construction.

“Sa ngayon po talaga, nahihirapan po ako... Hidni ko talaga alam saan ako kukuha ng pangkain namin,” ani Taaka, na taga-Valenzuela City.

Ginamit naman muna ng maybahay na si Maricel Hicarpe, na taga-Valenzuela rin, ang natitirang ipon para magsimula ng simpleng pagkakakitaan at maitawid ang araw-araw na kailangan ng pamilya.

Nawalan rin ng trabaho ang kaniyang asawa na nagtatrabaho sa isang pabrika.

Nagpapasalamat sina Taaka at Hicarpe sa mga ayudang dumating na pandagdag sa kanilang pagkain, kabilang ang tulong mula sa Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN.

“Thank you po sa lahat ng nakakarating na tulong sa’min dito sa Valenzuela,” ani Hicarpe.

“Malaking tulong po ang ginawa niyo sa’min. Kahit paano naitatawid ang pagkain ‘yong mga nakatira dito sa’min,” dagdag naman ni Taaka.

Para naman kay Nida Kaina, residente ng Valenzuela at miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP), ngayon lang niya naranasan ang hirap sa kanilang lugar.

Ang SNPP ang katuwang ng Pantawid ng Pag-ibig sa pag-agapay sa mahihirap.

“Ang mga tao hinihintay ito kasi wala na talaga silang makain,” ani Kaina.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.