Mag-amang sangkot umano sa serye ng carnapping patay sa engkuwentro

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 06:49 PM | Updated as of May 26 2020 08:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Patay ang mag-amang sangkot umano sa serye ng nakawan ng motorsiklo matapos nilang makaengkuwentro ang mga pulis sa San Pablo City, Laguna.

Ayon sa San Pablo City police, nitong Mayo lang ay sunod-sunod ang report ng nakawan ng motorisiklo sa kanilang lugar.

Sa kanilang imbestigasyon, natukoy nila ang mag-amang June Bernal at John Llyod Bernal na nasa likod ng nakawan.

Sa follow-up operation, napatay ng mga pulis ang mag-ama sa engkuwentro sa Barangay San Ignacio.
 
Nasamsam pa sa kanila ang mga hinihinalang shabu, mga baril, at motorsiklo. Ang mag-ama umano ay notoryus na carnapper sa 3rd district ng Laguna.

"Ito pong mag-ama ay involved sa drugs at carnapping, itong anak carnapping lang," ani Police Mtr. Sgt. Henrico Gaspar, imbestigador. 

Naaresto naman ng mga pulis ang mekanikong kasabwat ng mag-ama.

Nasa 6 na motorsiklo ang narekober at may 3 sako din ng mga chop-chop na motorsiklo ang nabawi sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.