PatrolPH

Duterte dinepensahan si Duque sa mga panawagang patalsikin siya sa puwesto

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 08:13 PM

Watch more on iWantTFC

Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y overpricing sa mga equipment para sa COVID-19 testing at mga personal protective equipment kasabay into ay ipinagtanggol niya si Health Secretary Francisco Duque sa akusasyong pumalpak siya sa kaniyang pamumuno. 

Kasunod ito ng panawagan ng isang grupo ng private hospitals na palitan ang kalihim sa puwesto, na kaakibat umano ng lumilitaw na umano'y overpriced na coronavirus medical supplies gaya ng personal protective equipment at testing kits. 

Sa kaniyang public speech gabi ng Lunes, ipinagtanggol ni Duterte si Duque dahil inutusan niya ito umanong gawin ang lahat ng makakaya para matugunan ang pandemya. 

"Sabi ko sa kanya: ‘Do everything you can' . I take full responsibility, na ang utos ko na mag-- dalian mo. Wala akong pakialam kung saan ka magkuha, magnakaw ka and I remember saying it. I do not care whether you go and steal, borrow or kill a person to get what -- what needs to be done,” ani Duterte. 

Ayon pa kay Duterte, dapat pag-aralan ng National Bureau of Investigation ang insidente ng overpricing, na itinuturo sa ilang indibidwal na sinasabing supplier ng bansa. 

“Whether it’s really an issue of humanity and their greed, ‘yung hoarding na ano you cannot... It’s part of the business ano practices which you may call not even obnoxious, it’s repulsive to the human mind when you start to think about it,” ani Duterte.

Gabi ng Lunes nang ipanawagan ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc na palitan si Duque sa puwesto, sa akusasyong pumalpak ito sa kampanya kontra sa coronavirus. 

Kaakibat anila ito ang umano'y korapsiyon sa overpriced na supplies gaya ng mga kagamitang kinakailangan sa pagsugpo sa coronavirus. 

"Lumabas pa yung mga corruption, na patong-patong sa pagbibili, overpriced, pati overprice sa PhilHealth. So we think he should be changed,” ayon kay PHAPI chairman Rustico Jimenez. 

Sinabi na rin ng Malacanang na maaaring kasuhan ng profiteering ang sinasabing mag-asawang negosyante na mataas umano ang siningil sa mga testing equipment dahil sila lang ang supplier nito sa bansa. 

“Mayroon tayong existing law against profiteering defined as “taking advantage of a national emergency” and there’s also provision in the Bayanihan Act. There was really almost an attempt to blackmail us into buying something very expensive ‘no,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Ang napabalitang overpriced equipment ang isa sa dahilan kung bakit gusto ng ilan na maalis na sa puwesto si Duque. 

Si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, sinabi na hindi na siya magtataka kung may patuloy na pangungurakot dahil sa palakad umano ng gobyerno. 

"Hindi na ako magtataka kung tuloy tuloy ang kurakot sa pondo ng gobyerno kung ganito ang palakad. Mga sangkot sa katiwalian kinokonsinti at hindi pinaparusahan," ani Pangilinan. 

Si Senate Minority Leader Franklin Drilon, sinabi rin na sana ay hindi pa maabsuwelto si Duque sa kontrobersiya, matapos ang pahayag ni Duterte. 

"I hope the statement of the President does not in any manner mean to absolve Sec. Duque. I call for a fair and impartial investigation despite the President’s pronouncement. These are taxpayers’ money we’re talking about here - to the tune of billions pesos getting wasted due to corruption or gross negligence," ani Drilon.

Ayon sa Department of Health, sanay na sila sa batikos at ipagpapatuloy na lang nila ang trabaho habang inaayos ang serbisyong ibinabato nila sa publiko. 

“Kami ay patuloy lang na nagtatrabaho at tinitignan natin kung paano natin maiimprove ang mga serbisyong binibigay namin,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 

“When it comes to costing and all hindi po natin yan alam dahil tayo ay nagbibigay lang ng request na ito,” dagdag niya. 

Giit pa ng DOH, may kaukulang market study at lahat ay dumadaan sa procurement process ng gobyerno.  — Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.