134 barangay officials, nahaharap sa kasong kriminal dahil sa mga anomalya umano sa ayuda

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 12:30 AM

MAYNILA - Nahaharap sa mga kasong kriminal ang 134 barangay officials na sangkot umano sa mga katiwalian sa pamamahagi ng Social Amelioration Program.

Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na siyam na kaso pa ang isasampa ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group sa mga darating na araw, habang minamadali na ang case build-up sa 86 pang kaso. 

Kabilang sa mga insidenteng idinulog ng mga residente ang paniningil ng tig-P50 na processing fee sa SAP beneficiaries ng barangay officials sa Boac, Marinduque at pagkaltas ng tig-P2,000 sa ayuda ng 132 benepisyaryo sa Sta. Maria, Ilocos Sur. 

Sa Nasipit, Agusan del Norte, isinama umano ng barangay officials ang kanilang mga kaanak sa listahan ng SAP beneficiaries kahit hindi naman kwalipikado. 

Nakapagtala ng 318 complainants kaugnay ng maanomalyang pamamahagi ng SAP sa kani-kanilang lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.