Sunog sumiklab sa radio station sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 01:12 AM

DAVAO CITY—Sumiklab ang sunog sa isang radio station sa lungsod na ito, Biyernes ng gabi.

Naapula agad ang apoy dahil mabilis na nakaresponde ang mga bombero. Gumamit din ng fire extinguisher ang gwardya at ilang empleyado ng gusali kaya hindi na kumalat ang apoy.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag gusali.

Ayon kay SF01 Teresi Uyzon, posibleng nagsimula ang sunog sa may CCTV decoder.

"Nakita namin na nagsimula sa decoder pero ang tanong ko, ano pa 'yung mga nakasaksak na mga electrical gadgets kasi sabi nila may nakalagay ring blower fan," ani Uyzon.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ang mga nahirapang huminga.

Tinatayang P30,000 ang pinsala ng sunog.—Ulat ni Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.