Mag-ina nabundol ng jeep sa Navotas; sanggol patay

ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 12:41 PM

Napatay ang isang sanggol habang sugatan naman ang kaniyang ina matapos silang mabundol ng jeepney sa Navotas City ngayong umaga ng Linggo.

Naglalakad ang ina, 22 anyos, bitbit ang kaniyang isang buwang gulang na anak na lalaki nang mabundol sila ng jeepney bandang alas-6:40 ng umaga sa may R-10 Road, Barangay Bangkulasi, ayon sa ulat ng Northern Police District (NPD).

Itinakbo ang mag-ina sa Navotas City Hospital pero idineklarang dead on arrival ang sanggol, ayon sa ulat.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng jeepney habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury ang suspek, ayon sa pulisya. --Ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.