Signage, bahagi ng pader ng isang drug store sa Surigao del Sur bumagsak

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 12:33 AM | Updated as of May 26 2019 01:13 AM

Mga retrato ng drug store bago at matapos ang pagbagsak ng signage. May 26 na tao, kabilang ang mga staff ng drug store, ang nasa loob ng gusali nang mangyari ang biglang pagbagsak ng signboard. Kuha ni Ophelia Camingue

BISLIG CITY—Bumagsak ang illuminated signage ng isang drug store sa corner Abarca at Picasales streets sa lungsod na ito pasado alas-8 ng gabi Sabado.

May 26 na tao, kabilang ang mga staff ng drug store, ang nasa loob ng gusali nang mangyari ang biglang pagbagsak ng signboard. 

Sa tulong ng 911 ng Bislig, Bureau of Fire Protection, at mga pulis, ligtas na nailabas ang mga na-trap sa loob ng drug store.

Walang naiulat na nasugatan sa pangyayari.

Tanging ang 7 motorsiklo na naka-parada sa labas ng drug store ang napinsala.

Ayon sa Bislig PNP, agad kinordon ang lugar at hindi na muna pinapapasok ang mga tao.

Aabot sa 20 taon na ang gusali kung saan ginawang hotel ang pangalawang palapag nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.