ALAMIN: Presyo ng school supplies sa mga warehouse

ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 06:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Maliban sa mga tiyanggeng nagbebenta ng murang gamit pang-eskuwela, patok na rin ngayon sa mga magulang ang mga warehouse ng school supplies at uniform.

Mas mura nang hanggang 20 porsiyento ang mga paninda sa mga warehouse kaysa sa mga mall.

Narito ang listahan ng mga presyo ng school supplies sa mga warehouse:

  • 80 leaves na writing notebook → P11.50
  • Writing notebook (12 piraso) → P124
  • Lapis → P5.75
  • Ballpen → P20 (5 piraso)
  • Pad paper (1/2) → P19.75
  • Crayons (24 piraso) → P54.75
  • Lunch box na may tumbler → P149
  • Backpack → P399

"Titingnan din natin quality and then the budget," ani Narly Panuelo, empleyado ng isang warehouse na nagbebenta ng school supplies.

Ipinayo ni Renato Saniel, na may 5 anak, ang mga kailangan lang talaga ng bata ang bilhin para hindi sumobra ang gastusin.

Bukod sa mga warehouse, may ilang palengke rin na puwedeng bilhan ng school supplies at uniform. --Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.