2 nakuhanan ng 18 sachet ng shabu sa Manila buy-bust

ABS-CBN News

Posted at May 26 2019 01:40 PM

MAYNILA — Huli ang isang lalaki at isang babae sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) nitong Sabado.

Nakipagkita ang nagpanggap na buyer sa dalawang suspek sa Recto Avenue corner Torres Street sa Santa Cruz, Maynila, kung saan naisakatuparan ang transaksiyon.

Pagkatapos tanggapin ang pera, inaresto agad ang dalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas "Belen," 50, at alyas "Jeff," 45.

Parehong taga-Ongpin Street ang dalawa na notoryus umanong tulak ng droga sa lugar.

Nakuha sa kanila ang 18 sachet ng hinihinalang shabu.

Nakakulong na sina Jeff at Belen sa MPD Station 11 habang hinihintay na masampahan ng kaso.-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.