Security escort ng alkalde patay sa pananambang sa Quezon

Ronilo Dagos at Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at May 26 2018 10:12 AM

Nakabulagta sa kalsada ang bangkay ni Ruben Subia, isa sa security personnel ni Mulanay Mayor Joselito Ojeda, matapos pagbabarilin ng dalawang salarin, Sabado ng umaga sa Barangay Sta. Rosa. Photo courtesy of Mulanay Police 

MULANAY, Quezon – Patay ang isang miyembro ng security group ng alkalde ng bayan matapos pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Barangay Sta. Rosa, Sabado ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Ruben Subia, isa sa mga security personnel ni Mulanay Mayor Joselito Ojeda.

Bandang alas-5 ng umaga nang pagbabarilin ng dalawang salarin na naka-helmet at nakasakay sa motorsiklo si Subia. Agad ding tumakas ang mga ito. 

Patuloy na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang awtoridad. Inalerto na rin nila ang katabing istasyon ng pulis para maglatag ng checkpoint sa mga lugar na puwedeng lusutan ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.