Dating preso patay sa pamamaril sa Dumaguete

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at May 26 2018 01:09 PM

Patay si Mark Christopher Camba nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa kaniyang bahay Biyernes ng gabi.

DUMAGUETE CITY – Patay ang isang 44-anyos na dating preso matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang salarin sa loob ng kaniyang bahay, Biyernes ng gabi.

Naghahapunan umano si Mark Christopher Camba nang pasukin sa bahay ng mga salarin at paputukan.

Nagtamo siya ng limang tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Senior Insp. Fortunato Villafuerte, dati nang nakulong ang biktima dahil sa droga at naka-parole.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.