1 patay, 4 sugatan sa pagtaob ng SUV sa Batangas

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at May 26 2018 01:28 PM

 

IBAAN, Batangas – Isa ang kumpirmadong patay habang apat ang sugatan sa pagtaob ng isang SUV sa kahabaan ng STAR Tollway sa bahagi ng bayang ito Sabado ng umaga.

Dead on arrival sa pagamutan ang isa sa mga biktima habang isinugod din sa ospital ang apat pang nasugatan, kabilang ang driver ng SUV.

Base sa inisyal na report mula sa pulisya, self-accident ang nangyari.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Highway Patrol Group sa insidente.

Nito lamang Huwebes, tatlong magkakahiwalay na insidente ang naitala sa STAR Tollway, kabilang ang pagtagilid ng isang bus kung saan 20 pasahero ang sugatan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.