TINGNAN: Sugatang dolphin, nailigtas sa Biliran

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 26 2017 01:11 PM

Isang sugatang spinner dolphin ang nailigtas sa Kawayan, Biliran. Photo by Erwin Leones Bernadas

BILIRAN- Isang spinner dolphin ang nailigtas nitong Huwebes ng umaga sa bayan ng Kawayan.

Ayon sa impormasyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Eastern Visayas, nakita ng ilang mangingisda ang sugatan na dolphin malapit sa baybayin.

Agad din itong pinakawalan 30 minuto matapos itong makapagpahinga.

Napag-alaman na aabot sa 80 kilos ang timbang samantalang aabot naman sa 2 metro ang haba ng nasabing spinner dolphin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.