Safety first: Halos lahat ng mga estudyante at guro sa MSU, nailikas na

ABS-CBN News

Posted at May 26 2017 10:20 AM

Nakaalis na ang huling byahe ng sasakyang sumundo sa natitirang mga estudyante at guro ng Mindanao State University na naipit sa bakbakan ng Maute group at tropang pamahalaan sa Marawi City.

"I can say we handled the problem effectively," ani Prof. Rasid Placa, vice president for planning and development at chairman din ng University Crisis Committee ng MSU.

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Placa na kaninang umaga ang huling byahe ng sasakyang naghatid sa mga magaaral at guro ng MSU sa Iligan City.

"As of this moment, I can say almost all students were already evacuated to Iligan," sabi niya.

Nagpasyang umalis ng mga estudyante at faculty members ng unibersidad matapos ang sagupaan ng Maute group at awtoridad at ang pagbababa ng martial law sa buong Mindanao.

"Yung gustong umalis, nakaalis na. Baka naman may isolated cases, especially those students who were not informed, expectedly baka sila itong hindi pa nakaalis," sabi ni Placa.

Pero hindi pa makapagbigay si Placa ng saktong bilang ng mga nagsilikas sa Iligan.

"I cannot give you the actual number. But considering the population of the Mindanao State University Marawi main campus totaling to approximately 12,000 students or more," paliwanag niya.

Dagdag niya na sa mga nakaraang 3 araw ay unti-unti na silang nag-evacuate ng mga estudyante sa Iligan.

Tiniyak din nila na mananatiling ligtas ang campus mula sa mga masasamang elemento.

"We have effectively deployed our security personnel to strategic areas where there are possible entry of some bad elements," sabi niya.

Kasalukuyang nasa main campus pa rin si Placa.

"Being one of the top officials of the university, I should be the last to evacuate," saad niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.